MPD team, nagtungo na sa NAIA para sunduin si Ralph Trangia

Manila, Philippines – Tumulak ang isang team ng Manila Police District patungo sa NAIA , kaugnay ng inaasahang pagdating ng mag-inang Ralph Trangia mula sa Amerika via Taiwan.

Kinumpirma ni P/ S/Insp Rommel Anicete , hepe ng Homicide Section , kasama ang ilang abogado ng MPD ito upang imbetahan for questioning ang batang Trangiua.

Bago ito ay nakipag ugnayan ang MPD sa DOJ para sa desposisyon sa usapin ng pagdating ng mag inang Trangia via Taiwan kinumpirma ng Taiwan Immigration Attache na ang mag inang Trangia ay lulan ng Eva Air BR 271.


Ayon pa kay Anicete, pinuntahan din ng mga taga homeland security ang mag ina, kayat nagkaroon ng tinatawag na boluntaryong pagbabalik o pag-uwi sa bansa upang harapin ang reklamong isinampa laban sa kanila.

Nauna rito tinuran ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre II, na hindi maaring arestuhin sina Tranguia, dahil sa naisampa na ang reklamo sa Dept. of Justice at gumugulong na ang preliminary investigation kaugnay ng pagkamata ni Horacio Castillo III, sa hazing rites ng Aegis Juris Fraternity.

Nilinaw naman ni P/S/Ins Anicete, na sakaling hindi pumayag ang kampo ni Triangia na sumama sa MPD ay wala silang magagawa , kundi harapin na lamang ang mga ito sa DOJ, kung saan isinasagawa ang preliminary investigation.

Facebook Comments