JOB OPENING │PDEA, may mga bakanteng trabaho

Manila, Philippines – Nangangailangan ng mahigit 300 tauhan ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) para sa kampanya kontra droga.

Ayon kay PDEA Director General Aaron Aquino, nangangailangan ang kanilang ahensiya ng 373 empleyado para punan ang mga bakanteng posisyon sa kanilang mga tanggapan.

May mga posisyong bakante para sa mga gusting maging ahente o kaya’y technical at administrative personnel.


Sa ngayon, nasa 1,898 lamang ang tauhan ng PDEA mula sa kinakailangang 2,271 kung saan naka-deploy ang mga personnel
sa national at regional offices ng ahensiya.

Makikita naman ang kabuuang listahan ng mga bakanteng posisyon
sa website ng ahensiya: www.pdea.gov.ph

Facebook Comments