MPD, tiwalang malaki ang maitutulong ng tricycle driver na nakakita sa pagkamatay ni Horacio Castillo III para maresolba ang kaso

Manila, Philippines – Kumpiyansa ang pamunuan ng Manila Police District na malaki ang kontribusyon ng tricycle driver na nakakita sa pangyayari upang malutas ang kaso ng pagpaslang kay Horacio Castillo III at lumabas ang buong katutuhanan.

Ayon kay MPD Spokesman Supt. Erwin Margarejo lumutang sa MPD Headauarters si mang Danny tricycle driver upang isalaysay ang kanyang nasaksihan sa pagkamatay ng hazing victim na si Atio.

Base sa salaysay ni mang Danny pumasada siya noon ng mapagawi siya sa opisina ng Aegis Juris Resource Center sa may bahagi ng Laong Laan Street Sampalok kung saan nakita nito ang tatlong kalalakihan na may pasanpasan na taong nakabalot ng puting kumot at isinakay sa pulang Van na Estrada.


Paliwanag ni mang Danny inakala nito na maysakit lang ang isinakay sa naturang Van kung saan binuntutan pa ito ng isang nakamotorsiklo kaya binabalewala lamang niya ito at tuloy lang ang kanyang pamamasada.

Nagulat nalamang umano si Danny ng mapanood niya sa TV ang nangyari na hazing kung saan katawan pala ni Atio ang nakabalot ng puting kumot.

Handa umano si mang Danny na makipagtulungan sa pulisya upang ikareresolba sa naturang krimen.

Facebook Comments