MPD, umaasang magiging payapa ang huling araw ng bar exams

Patuloy na nakabantay ang Manila Police District (MPD) sa huling araw ng bar exams na ginaganap ngayon sa University of Santo Tomas (UST).

Ayon kay MPD Director Brig. Gen. Bernabe Balba, umaasa siya na walang mangyayaring anumang kaguluhan sa labas ng ust lalo na at dumadami ang mga sumusuportamg mga kaklase, kaibigan at kamag-anak ng mga kumukuha ng bar exam.

Sinabi pa ni balba na nasa 500 pulis ang nakabantay kung saan ipinapatupad ang pag-babawal ng pag-bebenta ng alak sa paligid ng ust.


Maging sina Manila Mayor Isko Moreno at Vice-Mayor Honey Lacuna ay personal na nag-punta sa UST para mag-bigay suporta sa mga kukuha ng bar exam habang ang mga miyembro ng National Union of Peoples’ Lawyers ay nag-tungo din sa naturang unibersidad bit-bit ang isang tarpaulin kung saan kinokondena nila ang nangyayaring pagp-atay at harassment sa mga abogado, hukom at prosecutor.

Nasa 8,245 ang bilang mga mga kumuha ng bar exam ngayon taon pero ayon sa korte suprema, bumaba ito sa 7,691 matapos ang ikalawang araw ng exam noong November 10.

Facebook Comments