Pinangunahan ni Datu Abdullah Sangki, Maguindanao Mayor Bai Mariam Sangki Mangudadatu ang isinagawang Joint Municipal Peace and Order Council at Municipal Anti- Drug Abuse Council Meeting ngayong araw.
Nilahukan ito ni Maguindanao Provincial PNP Director SSupt Agustin Tello, Lt. Col. Lauro Oliveros, commanding officer ng 1st Mechanized Infantry Battalion, SPO4 Elenita Abella Piang DAS OIC Chief of Police , mga SB members , mga Brgy. Officials at mga opisyales ng Moro Islamic Liberation Front na pinagunahan ni 105th Base Commander Zacharia Goma.
Kaugnay nito kanya kanyang nagbigay ng updates ang mga opisyales kaugnay sa kasalukuyang sitwasyon ng peace and order at drug concern ng bayan.
Sinasabing generally peaceful ang DAS maliban na lang sa inaayos na sitwasyon sa bahagi ng Brgy. Tukanalogong. Nagpapatuloy rin ang mas pinalakas na kampanya ng mga otoridad kontra sa ipinagbabawal na gamot sa pamamgitan ng kanilang Oplan Tokhang.
Hinimok naman ni Mayor Bai Mariam ang kanyang mga kababayan na patuloy na makipagtulungan at makiisa sa kanilang isinusulong na kampanya para mapanatili ang katiwasayan sa kanilang bayan.