MPOC Meeting isinagawa sa Datu Abdullah Sangki

Muling nagsagawa ng Municipal Peace and Order Council Meeting ang LGU ng Datu Abdullah Sangki, Maguindanao.

Pinangunahan mismo ito ni Bai Mariam Sangki Mangudadatu , Alkalde ng DAS, tumatayong MPOC Chairman kasama ang bagong talagang Battalion Commander ng 1st Mechanized Battalion LTC James Fernando at DAS COP PCI Alma P. Ladrera.

Kabilang sa mga napag- usapan ay ang mga inisyatiba para maipagpatuloy ang katiwasayan sa bayan ng DAS. Napag -usapan rin ang muling pagkakadiskubre ng pamumutol ng ilang puno ng saging mula sa DDC Farm.


Present rin sa MPOC ang mga representante ng DDC Farm na sina Mr. Rigoberto Miranda, Almario Dacono, Renato Niwane, TELSTAR Representative, Mr. Daffi Sangki , ang sampung Punong Barangay at mga opisyales mula PNP Maguindanao.

Patuloy naman ang paghimok ni Mayor Bai Mariam sa lahat ng kanyang mga kababayan at lahat ng sektor na ipagpatuloy ang pagkakaisa sa bayan para na rin sa patuloy na asensong natatamasa ng mga taga DAS.

Facebook Comments