Rapper na si Mike Swift, nagmamake-over ng basketball court kapalit ang mga lumang rubber shoes

150
Image via Instagram/Mike Swift

Adbokasiya ng basketbolista at rapper na si Mike Swift na magpaganda ng mga basketball court sa bansa. Subalit imbes na pera, lumang rubber shoes na maari pang gamitin ang hinihinging kabayaran.


Inaayos at ibinibigay niya ang mga nakuhang sapatos sa mga taong nangangailangan nito tuwing maglalaro ng basketball.

Sa panayam ng TV Patrol kay Swift, makatutulong at mag-eenjoy ka pa sa kabutihang ginagawa sa kapwa.

“This is a sort of make over with a heart. Not only you can give back with these sneakers but you also get to enjoy doing what you like to do. Pag may nagumpisa talaga at sumunod na iba, domino effect ng kabaitan.”, pahayag ni Swift.

Nananalig siya na sa bawat basketball court na kanyang pinupuntahan at inaayos, meron manlalaro na magiging matagumpay sa larangan ito.

“A dream to see a Filipino, a local to make it to the NBA and for us to make it to Olympics,” dagdag pa ni Swift.

Narito ang ilan sa basketball court na minake-over ng tinaguriang Mr. Pinoy Hoops:




 

View this post on Instagram

 

vote 4 love

A post shared by Mike Swift (@iammikeswift) on

 

 

View this post on Instagram

 

Navotas #EveryCourtCanDream

A post shared by Mike Swift (@iammikeswift) on

 

 

 

 

 

Facebook Comments