Mrs. Batocabe, sasaluhin ang kandidatura ng kanyang napaslang na asawa

Papalit na sa kandidatura ng pinaslang na si Ako Bicol Partylist Representative Rodel Batocabe ang kaniyang misis.

Mismong ang ginang na si Gertie Duran-Batocabe ang nag-anunsyo sa kaniyang Facebook post na siya na ang sasabak sa eleksyon at papalit sa kandidatura ng kaniyang asawa bilang mayor sa Daraga.

Makikita rin sa Facebook post ang larawan kung saan itinataas ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kamay ni ginang Batocabe.


Nagpasalamat din ang ginang kay Pangulong Dutete sa paghikayat at pagtulong nito sa kaniya.

Facebook Comments