Nagsasagawa na ang pamunuan ng Metro Rail Transit Line-3 ng tinatawag na systems check sa lahat ng istasyon ng tren matapos manalasa ang bagyong Ulysses.
Layon nito na makita kung may naging pinsala sa mga rail facilities ang bagsik ng bagyo sa Metro Manila.
Partikular na iniinspeksyon ng mga MRT-3 personnel ay ang kondisyon ng mga operational systems ng rail line kabilang ang tracks, OCS power, signaling at communications, mga gusali at pasilidad at rolling stocks.
Una nang sinuspinde ng MRT-3 management ang train operations ng rail line ngayong araw dahil sa bagyo
Dagdag ng MRT-3 management, maglalabas ito ng bagong anunsiyo ukol sa pagbabalik-operasyon ng mga tren sa oras na matapos ang isinasagawang systems check.
Facebook Comments