MRT-3, balik-operasyon na kasunod ng naramdamang 6.3 na magnitude na lindol sa Batangas

Balik na sa normal ang operasyon ng MRT-3 kasunod ng naramdamang 6.3 na magnitude na lindol sa Batangas.

Alas-7:43 kaninang umaga nang inihinto ng mga train drivers ang biyahe sa pinakamalapit na MRT-3 station bilang precautionary measures.

Sa isang advisory, bumibiyahe na muli ang mga tren sa bilis na 50 kilometers per hour (km/h) matapos makapagsagawa ng inspection sa mga riles ng tren.


Nagpapatuloy naman ang inspection ng MRT-3 management sa mga gusali at pasilidad nito para tingnan ang anumang pinsala dulot ng lindol.

Facebook Comments