Tindero, Huli sa Pagbebenta ng Pekeng Sigarilyo

93

Cauayan City, Isabela- Inaresto ng mga awtoridad ang isang tindero dahil sa iligal na pagbebenta ng mga pekeng sigarilyo sa Barangay Tangatan, Sta Ana, Cagayan.

Kinilala ang suspek na si Lito Oñate, 43-anyos, at residente ng Barangay Maura, Aparri, Cagayan.


Nadakip ang suspek ng mga alagad ng batas kasama ang nagngangalang Crist Vincent Pagurayan, ITP Specialist ng Philip Morris Fortune Tobacco Corporation.

Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya, positibong napagbentahan ng suspek ang isang operatiba ng anim (6) na ream ng Fortune Green, limang (5) ream ng Fortune lights, limang (5) ream ng Marlboro Gold, isang (1) ream ng Marlboro Black at limang (5) ream ng Mighty Green na tinatayang aabot ang halaga sa higit P20,000.

Kinumpiska mula sa suspek ang perang ginamit sa transaksyon at delivery receipt.

Nahaharap ngayon si Oñate sa kasong RA 8293 o Intellectual Property Rights.



Facebook Comments