MRT-3 hindi nakaranas ng aberya sa nakalipas na isang linggo

Manila, Philippines – Walang naitalang aberya sa Metro Rail Transit (MRT) Line 3 nitong nagdaang pitong araw mula Pebrero 21.
Ayon kay MRT-3 Media Relations Officer, Aly Narvaez – ito na ang pinakamahabang araw na naitala na walang nangyayaring interruption at train re sa MRT-3 mula nang pumasok ang maintenace transition team ng pamahalaan.
Sinabi rin ni Narvaez – wala ring narekord na insidente ng pagpapababa ng mga pasahero at pag-pull out ng tren sa linya.
Asahan pa ang unti-unting pag-ayos ng sistema ng MRT-3 ngayong patuloy na dumadating ang mga spare parts.
Target ng pamunuan ng MRT-3 ang ‘major improvement’ sa train line pagkatapos ng Semana Santa.

Facebook Comments