Inulan ng suporta sa social media ang MRT-3 kasunod ng pag-upak ni Senadora Grace Poe sa nangyaring mga aberya sa operasyon ng tren.
Pumalo sa mahigit tatlong libong mga mensahe ang pumasok sa DOTr-MRT-3 Facebook na nagpapatotoo na mas unti-unting bumubuti ang serbisyo ng MRT-3 kung ikukumpara sa nagdaang administrasyon.
Ikinatuwa naman ng mga MRT-3 management ang suporta ng mga netizens.
Muli inulit ng MRT-3 na patuloy ang pagta-trabaho upang ganap na mararamdaman ang mga pagbabago sa MRT-3.
Sa ngayon ay tuloy-tuloy na ang comprehensive rehabilitation ng Sumitomo-Mitsubishi.
Puntirya nito na iakyat ang mga running trains mula 15 hanggang 20.
Inaasahan naman na pabibilisin nito ang takbo ng tren mula 30 kph hanggang 60 kph at mababawasan ang waiting time ng mga pasahero mula sa kasalukuyang 7.5 minutes hanggang 3-3.5 minutes.