MRT-3, may 3 araw na libreng sakay sa government employees

Maghahandog ng libreng sakay ang pamunuan ng Metro Rail Transit o MRT-3 para sa mga kawani ng gobyerno, bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng ika-123rd Philippine Civil Service anniversary.

Ayon kay MRT-3 Officer-in-Charge Jorjette B. Aquino, magsisimula ang libreng sakay sa MRT-3 sa September 18 hanggang September 20 sa buong operating hours ng pampublikong sasakyan.

Kinakailangan lamang na magpakita ng valid government ID upang makatanggap ng libreng sakay.


Ang desisyon na ito ay bahagi ng simpleng pasasalamat sa lahat ng mga sakripisyo ng bawat kawani ng gobyerno na ginampanan ng tapat at maayos ang kanilang mga tungkulin.

Facebook Comments