Special Investigation Task Group, binuo para tutukan ang pagpatay sa isang abogada sa Abra

Bumuo na ng Special Investigation Task Group ang Abra Police na siyang tututok sa pagpatay sa abogadong si Atty. Maria Sanita Liwliwa Gonzales Alzate.

Sa ulat ni PCol. Froiland Lopez, Provincial Director ng Abra Police sa Kampo Krame, sinabi nitong nagsagawa na sila ng case conference at patuloy ang kanilang imbestigasyon sa krimen.

Maliban dito, nire-review na rin nila ang mga CCTV footage sa crime scene sa tapat mismo ng bahay ng biktima sa Bangued, Abra.


Nabatid na riding in tandem ang mga suspek na hindi pa rin tukoy ang pagkakakilanlan.

Inaalam pa rin hanggang sa ngayon ng pulisya ang motibo sa krimen.

Facebook Comments