MRT-3, may alok na libreng sakay para sa mga kababaihan ngayong araw

May handog na libreng sakay para sa mga kababaihan ang MRT-3 ngayong araw.

Ito ay bilang pakikiisa sa selebrasyon ng National Women’s Month.

Nagsimula ang libreng sakay kaninang alas 7:00 hanggang alas 9:00 ng umaga.


Libre ulit na makakasakay ang mga kababaihan mamayang alas 5:00 ng hapon hanggang alas 7:00 ng gabi.

Facebook Comments