Mag-asawang umanoy suicide bomber sa Jolo, Sulu twin bombing, may naiwan umanong anak sa bansa

1179

Sulu – Hinahanap na ngayon ng Philippine National Police (PNP) ang umano ay anak ng mag-asawa na hinihinilang suicide bomber sa Jolo, Sulu twin bombing.

Ayon kay PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde, kailangang mahanap ang bata upang mapaayos na malaki at hindi matulad sa kanyang mga magulang nagging suicide bomber.

Importante aniyang makita ang bata sa lalong madaling panahon upang maikumpara rito ang resulta ng DNA ng dalawang pares ng babae at lalaki na nakita sa pinangyarihan ng pagsabog.

Sa kasalukuyan aniya patuloy ang intelligence effort ng PNP para matukoy kung talagang may anak na naiwan ang dalawa at paano ito mahahanap.

Kanina inilabas na ng PNP ang DNA result ng dalawang pares ng paa na nakuha sa pinangyarihan ng pagsabog sa Jolo, Sulu at hindi ito tumutugma ‪sa 23 nasawi rin sa pagsabog.

Facebook Comments