MRT-3, nakapag-deploy na ng kauna-unahang 4-car train sets sa mga linya nito

Nakapag-deploy ang Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) ng kauna-kaunahang 4-car train sets sa mga linya nito sa pagsisimula ng isang buwang ‘Libreng Sakay’ Program ngayong Lunes.

Pinangunahan ni MRT-3 OIC General Manager Michael Capati ang deployment ng 4-car train sets kaninang alas-7:00 ng umaga sa MRT-3.

Isa pang 4-car train sets ang patatakbuhin sa afternoon peak hours mamayang alas-5:00 ng hapon hanggang alas-7:00 ng gabi.


Ang nasabing train set ay makatutulong para madagdagan ang kapasidad ng linya ng tren na makakapagsakay ng higit 1,500 pasahero sa kada train set.

Ayon kay GM Capati, malayong-malayo na ang napapatakbo noon na 10-15 na tren lang at may all-time low pa na 6 na tren.

Aniya, dahil tuloy-tuloy na ang overhauling ng mga bagon mas marami na ang reliable cars ang nagagamit.

Bukod sa mas pinabilis na takbo ng MRT-3, ang mga pasahero ay napakikinabangan din mas ang malamig na train rides dahil kinabitan din ang mga ito ng bagong aircon units.

Facebook Comments