Chinese national na sangkot sa prostitution sa mga Koryana sa Pilipinas, arestado ng BI

Inaresto ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Chinese national na overstaying at sangkot sa prostitusyon sa Pilipinas.

Ayon sa BI, ang 35 taong na si Jin Mingchun ay sangkot sa pagpwersa sa mga kababaihang Korean national sa bansa, para magtrabaho bilang prostitute kung saan ang mga parokyano ay mga Chinese na nasa Pilipinas.

Nabatid na kinukumpiska ng suspek na Chinese ang passport ng mga Koryana at kinakaladkad sila nito papasok sa hotel room kung saan naroon ang mga parokyanong Chinese nationals.


Si Jin ay agad na ipapa-deport ng BI dahil sa pagiging overstaying at undesirable alien.

Otomatiko na rin siyang blacklisted at hindi na makakapasok sa Pilipinas

Facebook Comments