MRT-3, pansamantalang nilimitahan ang byahe kanina

96

manila, Philippines – Pansamantalang nilimitahan ng Metro Rail Transit o MRT-3 ang biyahe ng tren mula sa North Avenue papuntang Shaw Boulevard kaninang alas-2:11 ng hapon.

Ayon sa twitter account ng DOTC-MRT3, nagsasagwa ang mga ito ng provisional service dahil sa mayroong sumabit umano sa kawad ng kuryente sa pagitan ng Ayala Station at Buendia Station.

Agad ding bumalik sa normal ang operasyon makalipas lamang ng isang oras.
Matatandaang kaninang umaga ay nagkaroon din ng aberya sa MRT-3 dahil sa nangyaring technical glitch na nakaapekto sa southbound trip ng tren mula sa North Avenue Station papunta sa Quezon Avenue.


Facebook Comments