Show cause order, inilabas na ng LTFRB laban sa bus operator at driver nanlaban sa traffic enforcers

Manila, Philippines – Naghain na ng show caused order ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) laban sa bus operator at driver nambugbog sa traffic enforcers ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Ayon sa inilabas na show cause order na pirmado ni Atty. Carl Sha Jemimah Marbella, mayroon pang limang araw ang mga ito para magpaliwanag at idepensa ang sarili.

Matatandaang naghamon ang mga suspek na sina Eddie Magangcong at Kim Lester Padilla ng suntukan sa mga MMDA traffic enforcer matapos silang sitahin dahil sa pagpapababa ng mga pasahero sa maling babaan.


Depensa ng dalawa, senior citizen na may kasamang mga bata ang kanilang ibinibaba.

Iimbitahan din ang dalawang akusado na pumunta sa hearing sa July 19.

Facebook Comments