Umakyat na sa 172 tauhan ng Metro Rail Transit (MRT) Line 3 ang tinamaan ng COVID-19.
Ayon kay Department of Transportation (DOTr) Assistant Secretary for Communications Goddes Hope Libiran, mula sa nasabing bilang, 166 ang depot personnel, at anim ang station personnel.
Aniya, apat sa anim na station personnel na nagkaroon ng COVID-19 ay mga ticket sellers, isa naman ay nurse, at isa ang train driver.
Ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa mga MRT-3 personnel ay bunsod ng nagpapatuloy na swab testing at contact tracing.
Dagdag pa ni Libiran, madalas nang isinasagawa ang disinfection sa mga istasyon ng MRT-3 para maiwasan ang pagkalat ng virus.
Mahigpit ding ipinapatupad ang health at sanitation protocols sa mga depot at station personnel.
Facebook Comments