MRT 3, pinag-iisipang ipasara

Manila, Philippines – Pinag-iisipan ni Department of Transportation (DOTr) Sec. Arthur Tugade na ipasara ang Metro Rail Transit (MRT) line 3.

Ito ang pag-amin ni transportation Undersecretary Cesar Chavez kasunod ng mga sunud-sunod na aberya kabilang na rito ang paghiwalay ng isang bagon ng tren sa pagitan ng Ayala at Buendia station kahapon.

Ayon kay Chavez – sinabi ni Tugade na hindi maaring isaalang-alang ang kaligtasan ng mga pasahero.


Pero giit ni Chavez – hindi rin maaring isara ang mrt-3 dahil maraming pasahero ang naka-depende na rito.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang paghahanap ng DOTr sa magiging maintenance provider ng MRT-3.

Facebook Comments