Tuluy-tuloy pa rin ang operasyon ng MRT-3 ngayong araw, Marso 29 sa kabila ng pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa buong Metro Manila gayundin sa Bulacan, Laguna, Cavite at Rizal.
Ipinatutupad pa rin ang 30% na passenger capacity ng mga tren o katumbas ng 124 na pasahero kada train car o 372 na pasahero kada train set.
Tiniyak din ng MRT-3 management ang ibayong pag-iingat tulad ng pagpapanatiling maayos at sapat ang ventilation sa mga tren, regular na pagsagawa ng disinfection at pagbabantay sa mga sumasakay kung may pasaherong mayroong sintomas ng COVID-19.
Mahigpit pa ring ipinatutupad ang “7 Commandments” sa loob ng mga tren ng MRT-3.
Ngayon ang huling araw bago ang nakatakdang Holy Week maintenance shutdown ng MRT-3 na magtatagal mula Marso 30 hanggang Abril 4, 2021.