MRT-3 REHABILITATION | Pirmahan sa loan agreements sa JICA para sa rehabilitation at maintenance ng MRT-3, gagawin na sa Hunyo

Manila, Philippines – Inaasahan na sa buwan ng Hunyo ay pormal nang lalagdaan ang loan agreement sa pagitan ng Department of Transportation (DOTr) at ng Japan International Cooperation Agency (JICA).

Ito ay para sa pag-takeover ng bagong maintenance and rehabilitation provider mula sa kasalukuyang pangangasiwa ng MRT-3 maintenance transition team.

Kasunod ito ng pagsasapinal na ng DOTr at ng JICA ng tinatawag na ‘appraisal mission’ para sa rehabilitation at maintenance project ng MRT-3


Ayon sa pamunuan ng MRT-3, nilalaman nito ang mga detalye sa gastusin ng proyekto, schedule at ang saklaw ng trabaho na magbabalik sa orihinal na design condition ng train line.

Base sa diskusyon, isasailalim sa apatnaput-tatlong buwang rehabilitasyon ang buong MRT-3 sa halagang P16.9-B.

Nakatuon ang upgrading sa power supply, catenary, radio, public address, CCTV at signalling systems ng MRT-3.

Aayusin din ang iba pang pasilidad ng tren gaya ng rail tracks, road rail vehicles, building at depot equipment at mga elevators at escalators.

Facebook Comments