Simula bukas, Agosto 19, 2020, balik-operasyon na ang mga tren ng MRT-3.
Ito’y matapos i-anunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte na isasailalim muli sa General Community Quarantine (GCQ) ang National Capital Region (NCR).
Sa abiso ng MRT-3 management, nasa 18 train sets ang patatakbuhin bukas na magseserbisyo para sa mga pasahero kung saan dalawang set nito ay Dalian train.
Ang unang tren ay babiyahe ng alas-5:30 ng umaga mula sa North Avenue hanggang Taft Avenue.
Ang huling biyahe naman ng tren pa Southbound mula sa North Avenue ay alas-9:10 ng gabi at alas-10:11 ng gabi naman mula sa Taft Avenue station pa Northbound.
Paalala pa ng Department of Transportation (DOTr), mahigpit na ipatutupad ang mandatory na pagsusuot ng face mask at face shield ng mga pasahero.
Hindi papapasukin ng istasyon at pasasakayin ng tren ang commuters na hindi nakasuot nito.
Nais makatiyak ng DOTr at MRT-3 management na ligtas ang mga pasahero nito laban sa virus.