MRT-3, tumirik ng dalawang beses kaninang umaga

Manila, Philippines – Muling pinahirapan ng dalawang magkasunod na aberya sa Metro Rail Transit-3 (MRT-3) ang mga pasahero nito sa kasagsagan ng rush hour kaninang umaga.

Alas-6:27 nang pababain ang mga pasahero sa Kamuning station southbound matapos magkaroon ng technical problem ang isang tren.

Muling nagkaroon ng nagkaroon aberya ang isa pang tren kaninang alas 8:01 kaya pinababa rin ang mga pasahero sa Ortigas nortbound station naman.

Sa ngayon ay dinala na sa depot ang dalawang nagkaproblemang tren para agad na maayos.

Facebook Comments