MRT-7, 47.21% nang patapos

As of August 2019, 47.21% nang patapos ang Metro Rail Transit Line-7 Project.

Sa report ng MRT-3 -DOTr, on schedule ang guide way construction at concreting works ng MRT-7.

Naikabit na ang coping beam, girder at trans-slabs ng elevated structures nito.


At dahil 24/7 na ang konstruksyon, on track na din ang pagkakabit ng 108 cars, ng  rolling stock at ang electrical at mechanical  works.

Kapag nabuksan na sa 2021, ang 22-kilometer rail line ay magdudugtong sa Quezon City hanggang San Jose del Monte sa Bulacan.

Bilang resulta, magiging 35 minutes na lamang ang travel time mula sa kasalukuyang 2-3 hours na biyahe.

Facebook Comments