MRT-7 project, mahigit 50% nang tapos

33

Mahigit kalahating porsyento nang tapos ang Metro Rail Transit Line 7 (MRT-7) project.

Ayon sa San Miguel Corporation (SMC), ang concession holder ng MRT-7, nasa 51.73 percent na ng civil works ng proyekto ang nakumpleto na.


Kabilang dito ang pagkakabit ng bored piles, girders, pundasyon sa mga istasyon at paglalagay ng riles.

55 percent na ring kumpleto ang electrical at mechanical works sa itinatayong MRT–7 habang 6.2 kilometers mula sa target na 13.5 kilometers na elevated section ang natapos na.

Kumpleto na rin ang 4.8 kilometers sa target na 6.9 kilometers at-grade section, gayundin ang 1.5 kilometers ng 1.9 kilometer tunnel portion.

Target buksan at simulan ang operasyon ng MRT line 7 sa Disyembre ng 2022.



Facebook Comments