Mga pulis na tinamaan ng COVID-19, halos 11,000 na

16

Pumalo na sa 10,993 ang confirmed COVID-19 cases sa Philippine National Police (PNP) matapos madagdagan ng 53 na bagong kaso.

Sa nasabing bilang, 425 ang aktibong kaso.


44 namang pulis ang gumaling sa COVID-19 na mayroon ng kabuuang 10,573.

Nananatili naman sa 31 ang nasawi sa PNP dahil sa COVID-19.

Facebook Comments