MRT, muling nagka-aberya

19

Manila, Philippines – Dalawang makasunod na aberya ang naitatala sa biyahe ng Metro Rail Transit (MRT) kaninang umaga.

Sa abiso ng mrt, alas 9:10 ng umaga unang naitala ang aberya sa bahagi ng northbound ng Shaw Boulevard station.

Pinababa ang mga pasahero makaraang magkaproblema ang isa nitong tren.

Makalipas ang isang oras nagkaroon din ng aberya sa southbound ng Ortigas station.

Kapwa technical problem ang nakikitang dahilan ng aberya kaya’t uminit na naman ang ulo ng mga pasahero.

Facebook Comments