Ilang brgy. sa Navotas, mawawalan ng tubig

20

Manila, Philippines – Magsasagawa ng maintenance activity ang Maynilad sa Captain Cruz at E. Rodriguez Street sa Brgy. Tanza, Navotas City.

Dahil dito, mawawalan ng tubig ang ilang lugar sa nabanggit na barangay simula mamayang alas-10:30 ng gabi hanggang alas-kwatro ng madaling araw bukas.

Pinapayuhan ang mga residente na mag-imbak na ng sapat na suplay tubig
upang hindi maabala.

Posible naman maantala ang panunumbalik ng supply ng tubig depende sa layo ng lugar.

Facebook Comments