MRT personnel na nagpositibo sa COVID-19, umakyat na sa 186; bumabiyaheng mga tren ng rail system, binawasan pa

Pumalo pa sa 186 na mga empleyado ng Metro Rail Transit o MRT line 3 ang nagpositibo sa COVID-19.

Ayon kay Department of Transportation (DOTr) Undersecretary Timothy John Batan, 169 rito ay nakatalaga sa depot, 12 station personnel, 3 train drivers at 2 mula sa operations control center.

Aniya, dalawa (2) lang sa mga ito ang nagkaroon ng sintomas habang ang iba ay asymptomatic o walang pinapakitang sintomas.


Dahil dito, binawasan pa ng MRT ang mga bumabiyahe nilang mga tren kung saan mula sa 16 hanggang 19 ay ibinaba ito sa siyam (9) hanggang 11.

Tiniyak naman ng DOTr na magpapakalat ng augmentation bus para matugunan ang pangangailangan sa transportasyon ng mga commuters.

Facebook Comments