MRT REHABILITATION | Rehabilitasyon ng MRT-3, posibleng matapos sa kalagitnaan ng taong 2020

27

Manila, Philippines – Posibleng matapos ang rehabilitasyon sa Metro Rail Transit 3 sa kalagitnaan ng 2020.

Base sa isinagawang inspeksyon ng Japan International Cooperation Agency (JICA), hindi bababa sa 26 buwan bago tuluyang maisa-ayos ang operasyon ng train system ng MRT 3.

Hindi lang kasi mga tren ang aayusin sa MRT dahil magsasagawa rin ng rehabilitation work sa power supply, signaling system, security cameras, public address system, elevators, escalators at iba pang pasilidad ng MRT.

Sa ngayon, aabot na sa 16 na tren ng MRT ang maayos na nakakabiyahe.

Facebook Comments