Lalaki na Nagwala at Lasing , Arestado!

Alicia, Isabela – Naaresto at ikinulong ang isang lalaki sa bayan ng Alicia dahil sa pagwawala at kalasingan sa oras na alas nuwebe trenta ng gabi, Marso syete, taong kasalukuyan

Kinilala ang suspek na si Angelo Agustin, dalawampu’t walong taong gulang at residente ng Barangay Antonino, Alicia Isabela.

Sa imbestigasyong ibinahagi ng PNP Alicia sa RMN Cauayan, nabatid na unang nakatanggap ng tawag ang kapulisan mula sa pagwawala ng suspek.


Nagresponde naman agad sina PO2 Jackson Pascua at PO3 Jorgie Morada at pagdating sa lugar ay minura at hinamon ni Agustin ang dalawang pulis.

Dahil dito agad na hinuli si Agustin at dinala sa himpilan ng pulisya kung saan patuloy na nagwala at nagmura.

Ito narin ang dahilan na sinampahan agad ng kaso si Agustin ng Disobedience and Assult to Person In Authority na tuluyan nang nakakulong sa PNP Alicia.

Samantala si Angelo Agustin ay nasa impluwensya ng nakakalasing na inumin nang maganap ang nasabing pangyayari.

Facebook Comments