8:29 kanina nang nagkaroon ng problema ang operasyon ng Metro Rail Transit Line 3
Ayon sa MRT 3 management nagkaroon ng technical problem ang Overhead Catenary System ng isang tren sa Cubao Station Southbound.
Depektibo o may kalumaang mechanical components ang dahilan ng aberya.
Agad naman itong nai-coordinate sa OCS team kung kaya’t naayos ang technical problem bandang 8:48 AM.
Agad namang nailipat ang mga pasahero sa sumunod na tren.
Facebook Comments