MSM Health Center binuksan sa DAS

Binuksan na sa publiko ang Maasahang Serbisyo Medical o MSM Health and Wellness Center sa bayan ng Datu Abdullah Sangki Maguindanao.
Nanguna sa aktibidad si DAS Municipal Mayor Bai Mariam Sangki Mangudadatu kasama sina IPHO Maguindanao Director Dr. Tahir Sulaik.
Katulad ng ibang Health Center, may Emergency Room, Delivery Room, Recovery Room , Dental Clinic , Pharmacy , Nurse at Doctors Office ang MSM.
Layun ng MSM Center ay upang makapagbigay ng karagdagang serbisyo medical sa kanilang mga kababayan at mga kalapit bayan ayon pa kay Mayor Mariam. Sinisiguro rin ng alkalde na bukas 24/7 ang MSM at may mga health workers na magsisilbi sa mga nangangailangan.
Matatagpuan ang fully airconditioned MSM Center sa Brgy . Talisawa.

Facebook Comments