Dahan-dahan nang bumubuti ang estado ng Micro, Small at Medium Enterprises (MSMEs) ng bansa.
Batay sa survey ng Asian Development Bank (ADB), nabawasan ang bilang ng mga MSMEs na nanatiling tigil-operasyon noong Agosto at Setyembre.
Anila, indikasyon ito ng unti-unting pagbangon ng ekonomiya ng bansa sa gitna ng nararanasang pandemya.
Matatandaang noong buwan ng Marso at Abril, halos 70 percent ng MSMEs ang nagsara dahil sa ipinatupad na lockdown.
Facebook Comments