Labing isang MSMEs mula sa lalawigan na kinabibilangan ng Andrea’s Paper Beads, Bibsy Shop, Clockwise Furniture Shop, Indigenous Enabel Craft, Lapekto Lapel Paper Mache and Wooden Products International, Promdi Crafters Handicrafts Manufacturing, at RLGV Fruits and Wines ang buong pagmamalaki na ipinakita ang kanilang mga lokal na produkto sa naturang trade fair.
Bukod sa kanilang kinita, nagkaroon din ng pagkakataon ang mga MSMES na ipakita ang kanilang mga kalakal sa mga industrial firms at institutional buyers na gustong bumili ng kanilang mga produkto para sa lokal at internasyonal na pag-export.
Ang 2022 Hybrid National Trade Fair, na may temang “Go Green, Go Lokal,” ay naglalayon na muling pasiglahin ang inisyatiba ng DTI na i-highlight ang ingenuity ng mga Filipino MSMEs.