MSMEs SA LINGAYEN, TINIYAK NA SUMUSUNOD SA LABOR STANDARDS

Sumailalim sa Technical and Advisory Visit Program ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang 130 na Micro Small and Medium Enterprises sa Lingayen upang matiyak ang pagsunod sa mga itinakdang labor standards.

Tinalakay din sa programa ang rules and regulations ng Basic Occupational Safety and Health at Child Labor Productivity and Family Welfare Program.

Sa ilalim ng programa, hinihikayat ang mga negosyante na sumunod sa mga itinakdang batas nang maiwasan ang anumang paglabag.

Patuloy naman na isinusulong ng kagawaran ang pagsasagawa ng iba’t-ibang programa upang makapagbahagi ng kaalaman sa mga MSMEs para sa kaunlaran ng kanilang negosyo. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments