Mt. Apo, muling bubuksan sa mga mountaineer

Manila, Philippines – Bubuksan na muli sa susunod na buwan sa mga mountaineer ang hilagang trail ng Mt. Apo sa North Cotabato.
 
Ito ang kinumpirma ng Protective Area Management Board (PAMB) ng Kidapawan City.
 
Ayon sa PAMB, ito ay para mapataas ang bilang ng mga dayuhan at lokal na climber, na magpapalakas sa turismo sa lugar.
 
Gayunman, iginiit ng PAMB ang istriktong implementasyon ng regulasyon sa trekking na itinakda ng Mt. Apo Protective Area Management Board para matiyak ang kaligtasan at maiwasan ang pagkasira ng bundok.
 
Matatandaang noong nakaraang taon nasunog ang malaking bahagi ng bundok na inabot ng ilang linggo bago tuluyang naapula.

 
 
 
 

Facebook Comments