Nilinaw ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang naging basehan nito sa pagbibigay ng Parental Guidance (PG) classification sa pelikulang “Maid in Malacañang.”
Ayon kay MTRCB Chair Diorella Maria Sotto-Antonio, batay sa kanilang pagsusuri ay natukoy na isang dramatization o pagsasadula lamang ang huling 72 oras ng pamilya Marcos sa Malacanang noong 1986 at hindi isang dokumentaryo.
Dahil dito, Hinimok ng MTRCB ang mga magulang na magsagawa pa rin ng kanilang sariling pagsusuri upang magabayan ang panunuod ng kanilang mga anak.
Nabatid na ang PG classification ay nangangahulugan na ang isang palabas ay maaaring may tema na nangangailangan ng pangangasiwa at patnubay ng magulang.
Facebook Comments