Pinakamataas na bilang ng bagong kaso ng COVID-19 simula Pebrero 7, naitala ng DOH kahapon; aktibong kaso ng sakit, pumalo na sa 37,189!

27

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 4,701 na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa kahapon.

Pinakamataas itong naitala simula Pebrero 7 kung saan 6,835 kaso ang naitala.

Dahil dito, sumampa na sa 37,189 ang bilang ng aktibong kaso ng sakit, mas mataas sa 34,213 na naitala noong Huwebes.


Samantala, umaabot na sa 3,697,045 ang gumaling sa sakit habang umakyat sa 60,774 ang nasawi matapos madagdagan ng isa kahapon.

Facebook Comments