Magiging epektibo ang ikinakasang Shame Campaign ng Commission on Elections Comelec lalo na dito sa Zamboanga Peninsula ito ang tahasang sinabi ni Comelec Regional Director Jay Balisado sa panayam ng RMN Pagadian.
Aniya, mahigpit nilang ipapatupad ang nasabing kampanya laban sa mga kandidatong maglalagay ng mga poster sa mga hindi otorisadong lugar.
Nabatid na noong nakaraang Midterm Elections puspusan ang ginawang operasyon ng comelec 9 upang disiplinahin ang mga politikong epal, isa aniya na paraan na kanilang ginawa ay ang paglalagay ng letrang X sa mismong mukha ng kandidato.
Kasabay nito, muling umapila si Balisado sa publiko na i-report sa kanilang tanggapan ang anumang paglabag sa mga panuntunan sa pangangampanya ng mga kandidato, kahit ang violator ay mismong kandidatong napupusuan nilang iboto.