Mula sa hilig sa paggala at pagkain, 26-anyos na lalaki, nakapagtayo ng sariling food business

Pa-travel travel noon, certified business owner na ngayon!

Ito ang ipinagmalaki ng 26-anyos na si Joshua CariƱo matapos na maging matagumpay sa pagsisimula ng sarili niyang negosyo.

Kwento ni Joshua sa programang Business As Usual, mula sa hilig sa paggala at pagkain, nakuha niya ang ideyang itayo ang Bangkete Grill & Restaurant sa Makati City.


Bida sa kanyang restaurant ang mga pagkaing natikman lang niya noon sa mga naging biyahe niya sa ibaā€™t ibang lugar sa bansa gaya sa Pangasinan, Tarlac, Pampanga at Cebu.

Samantala, bukod sa karanasan sa pagbiyahe, lakas ng loob din ang isa sa naging puhunan ni Joshua sa pagsisimula ng kanyang food business.

Facebook Comments