Mulatto lead singer Joey Bautista, pumanaw na

Pumanaw na si Joey Bautista, ang lead singer ng ‘90s band na “Mulatto”.

Sa ulat ng Daily Tribune at The Manila Times ngayong Huwebes ng hapon, pumanaw ang singer dahil umano sa COVID-19.

Ilang malalapit na kaibigan naman ang nagpaabot ng pakikiramay tulad nina Muntinlupa Lone District Rep. Ruffy Biazon, FAP Director General Vivian Velez at Sunshine Cruz.


Pahayag ni Cong. Biazon sa Twitter: “It feels different when it’s people in your circle that falls to the virus. Rest in peace, Joey Bautista.”

Sa ngayon, wala pang kumpirmasyon mula sa pamilya ni Joey kung may kinalaman nga sa virus ang kanyang pagpanaw.

Ilan sa pinasikat na kanta ng Mulatto ay ang “Move It”, “Nang Tumugtog Ang Awit Ko”, “On The Right Track”, “Full Circle” at remake ng “Growing Up” na soundtrack ng T.G.I.S.

Facebook Comments