MULING BUBUKSAN | Voters Registration, bubuksan ngayon ng COMELEC

Manila, Philippines – Muling bubuksan ngayong araw ng Commission on Elections (COMELEC) July 2, 2018, ang Voters Registration para sa 2019 Local and National Elections.

Base sa COMELEC Resolution 10392, itinakda ang period for the filing of application para sa registration bilang botante ng 90 days, mula July 2 hanggang September 29, 2018.

Ang naturang Registration ay gagawin mula lunes hanggang Saturdays kabilang ang mga holidays.


Ang mga COMELEC Office sa buong bansa ay tatanggap ng applications for transfer/transfer with reactivation, reactivation, change/correction of entries/ or reinstatement ng mga records sa listahan ng mga botante.

Nilinaw nman ni COMELEC Spokesman James Jimenez na ang naturang kautusan ay hindi kabilang ang registration of voters ng Marawi City dahil sa kasalukuyang pag sasaayos ng lugar.

Paliwanag pa ni Jimenez na kailangan personal na isumite sa Office of the Election Officers (OEOs) ng Lungsod o Distrito o Munisipalidad kung saan nakatira ang aplikante.

Nakatakda rin magsagawa ng Satellite Registrations ang COMELEC sa mga panahong nabanggit.

Kung saan mismong COMELEC Field Officials ang dadayo sa mga Barangays, Public Plazas, Schools at iba pang pampublikong lugar para mag rehistro ng mga botante.

Facebook Comments