Muling pag-anib sa ICC, pinag-aaralan ni PBBM

Pinag-aaralan na muli ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang pag-anib sa International Criminal Court o ICC.

Ito ang sagot ng pangulo sa harap ng tila pagpapaprayoridad ng House of Representatives sa isang resolution na layong muling makatrabaho ang ICC kaugnay sa imbestigasyon sa war on drugs ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa isang panayam, sinabi ng pangulo na hindi naman bago ang hakbang na ito ng Kongreso lalo’t nais lamang raw ng mga ito na ihayag ang kanilang saloobin sa isyu at posibleng napapanahon na para muling makipag-cooperate sa ICC investigations.


Pero nanindigan naman ang pangulo na may problema talaga kung ang pag-uusapan ay jurisdiction at sovereignty.

Matatandaang noong buwan ng Hulyo ng taong kasalukuyan ay una nang inihayag ng pangulo na hindi na kailanman makikipagtulungan sa ICC lalo’t hindi na miyembro ng Rome Statute ang Pilipinas.

Facebook Comments