MANILA – Kasunod ng pagkakaaresto kay Ronnie Dayan, bubuksang muli ng House Committee on Justice ang imbestigasyon sa kalakalan ng iligal na droga sa bilibid.Sinabi ni Justice Committee Chairman Reynaldo Umali – dapat na iprisenta sa Kamara si Dayan dahil sila ang nag-isyu ng warrant of arrest laban dito.Ito ay dahil na rin sa hindi pagsipot noon ng umano’y ex-driver/lover ni Senador Leila De Lima sa imbestigasyon ng Kamara.Dagdag pa ng Kongresista, ang Kamara rin ang bahalang magdesisyon kung saan dapat ikulong si Dayan ngayong hawak na ito ng mga otoridad.Maging sina House Speaker Pantaleon Alvarez at house Majority Leader Rodolfo Farinas ay iniutos sa Philippine National Police (PNP) na dalhin sa Kamara si Dayan.Samantala, hinikayat naman ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II si Dayan na isiwalat ang lahat ng kanyang nalalaman para malinis ang kanyang pangalan.
Muling Pagbubukas Ng Pagdinig Kaugnay Sa Illegal Drug Trade Sa Bilibid, Kinokonsidera Ng Kamara Kasunod Ng Pagkakaaresto
Facebook Comments