*Cauayan City, Isabela- *Magbabalik operasyon na bukas, September 22, 2020 ang public market at salughterhouse ng bayan ng Solano subalit mahigpit na ipagbabawala sa mga vendors at mamimili na manggagaling sa ibang bayan.
Ayon sa punong bayan na si Mayor Eufemia Dacayo, bahagi aniya ito sa kanilang mahigpit na ipinatutupad na health protocols laban sa COVID-19 bunsod na rin na patuloy na paglala ng naitatalang kaso ng sakit sa nasabing bayan.
Kaugnay nito, magkakaroon na rin ng polisiya ang palengke sa lahat ng mga vendors na “No Negative Swab Test. No Business”
Nilimitahan na rin ang bilang mga behikulong papasok sa slaughterhouse maging ang dami ng mga butcher na magmamando sa pagkakatay ng mga baboy.
Magugunitang ipinasara at isinailalim sa lockdown ang public market ng Solano matapos makapagtala ng local transmission ng COVID-19.
As of September 20, mayroon nang 248 na kabuuang kaso ng COVID-19 ang Solano, 135 ang active cases, 107 ang recovered cases at 6 ang naitalang nasawi.
Sa buong probinsya naman ng Nueva Vizcaya, umabot na sa 439 ang total confirmed cases, 259 ang active cases, 166 ang recovered cases at 14 deaths.